^

Bansa

Sa ‘arbor’ ng smuggled asukal: Di ko na ‘friend’ si Virgie - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na itinuturing ni Pangulong Aquino na ‘friend’ si dating Land Transportation Office Chief Virgie Torres dahil suma­lungat ito sa “tuwid na daan” nang maugnay ito umano sa smuggled na asukal na tinangkang ipasok sa bansa subalit nasabat ng Bureau of Customs.

“The definition of friendship is that, ‘di ba, ito ang landas ko e. Kapag gagawa ka ng salungat sa landas ko, hindi tayo magkaibigan. Kapag i-importahan mo ako na gumawa ng hindi ko kaya or hindi ko nagawa, or ikaw gumawa ng alam mong hindi ko gagawin, hindi na tayo magkaibigan,” sabi ng Pangulo sa panayam ng ANC kamakalawa.

Aminado rin si Aquino na nalaman na lamang niya ito nang mabasa sa diyaryo sa halip na magmula sa report ng BoC sa kanya at ikinagulat niya ito dahil ang alam lamang niya ay nag-lease si Torres ng lupa sa Hacienda upang maging sugar planter.

“Nag-lease siya ng lupa sa Tarlac makaraang umalis sa LTO. Makatwiran ba sa kanya na palagpasin ang mga sugar smuggler na magpapababa sa presyo ng produktong pinamuhunanan niya? Yan ang bagay na wala sa lugar. Hindi yata logical ito,” paliwanag ng Punong Ehekutibo.

Inulit pa ng Pangulo na hindi niya papayagan ang sinuman niyang kaibigan na gamitin siya sa maling pamamaraan lalo’t lihis ito sa tuwid na daan.

“Kung ang pagkakaibigan natin ay batay sa kakayahan mong gamitin ako, hindi tayo magkaibigan. Kung ang iyong interes, ang layunin mo ay taliwas sa nais kong gawin, hindi na tayo magiging magkaibigan,” dagdag niya.

ACIRC

AMINADO

ANG

BUREAU OF CUSTOMS

HINDI

ITO

KAPAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF VIRGIE TORRES

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PUNONG EHEKUTIBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with