P300B nawawala sa BOC sa smuggling
MANILA, Philippines – Umaabot sa P300 bilyon ang nawawala sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa smuggling.
Sa hearing ng House Appropriations Committee, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ito ay dahil sa under declaration ng mga produktong pumapasok sa bansa.
Inamin naman ni Customs Commissioner Bert Lina na hindi pa niya personal na natatanong si Deputy Commissioner for Intelligence Jesse Dellosa tungkol sa isyu ng sugar smuggling kung saan sangkot umano ang kaibigan ni Pangulong Aquino na si dating LTO chief Virginia Torres.
Nilinaw ni Lina na under investigation na ito at nakatakdang magsumite ng report si Dellosa sa lalong madaling panahon.
Iginiit naman nito na wala namang estimate ang BOC kung magkano ang nawawala sa kabang yaman ng bansa ng dahil sa sugar smuggling.
Samantala, sinabi din ng DOF na suportado nila ang pagbaba ng income tax rate subalit dapat na magkaroon ito ng kapalit dahil kung bababa umano ang tax rate ay 30 bilyon piso ang mawawala sa gobyerno.
- Latest