Bagyong 'Dujuan' posibleng pumasok sa PAR mamayang gabi

Pangangalanang "Jenny" ang bagyo kapag tuluyan nang pumasok sa PAR. PAGASA photo

Tinatayang papasok ng Philippine area of responsibility ang bagyong may international name na "Dujuan" ngayong Miyerkules ng gabi o bukas ng umaga, ayon sa state weather bureau.

Huling namataan ng PAG-ASA ang bagyo sa layong 1,750 kilometro silangan ng hilagang Luzon kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Dujuan ang lakas na 65 kilometers per hour (kph) at bugsong aabo sa 85 kph, habang gumagalaw pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 9 kph.

Pangangalanang "Jenny" ang bagyo kapag tuluyan nang pumasok sa PAR.

Walang inaasahang direktang epekto ang bagyo sa bansa, ngunit paiigitingin nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan.

Show comments