MANILA, Philippines — Walang ginawa si Bise Presidente Jejomar Binay bilang pinuno ng housing sector, ayon mismo kay Pangulong Benigno Aquino III.
"Under my watch, I have yet to see anything that he did as head of the housing sector," pahayag ni Aquino sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel Martes ng gabi.
"There are no allegations about him doing anything while serving as a housing czar in my Cabinet," dagdag niya.
Limang taon ding nanilbihan sa gabinete ni Aquino si Binay bilang Housing and Urban Development Coordinating Council chair at presidential adviser on overseas Filipino workers' affairs.
Nitong Hunyo ay nagbitiw siya at nagpakawala ng mga tirada sa gobyernong tinawag niyang manhid at palpak.
Aniya walang ginagawa ang gobyerno upang matugunan ang mga problema ng bansa, kabilang ang kahirapan at kawalan ng trabaho.
Tatakbong pagulo si Binay sa 2016 sa ilalim ng United Nationalists Alliance, kalaban ang si Liberal Party standard bearer Mar Roxas at independent candidate Grace Poe.