Mga korap sa Customs pangalanan

MANILA, Philippines – Hinikayat ni House Committee on Ways and Means chairman Rep. Miro Quimbo na pangalanan ni deputy Commissioner for Intelligence Jesse Dellosa ang mga opisyal na sinasabing korap sa Aduana.

Ayon kay Quimbo, ti­tigil ang katiwaliang nangyayari sa BOC kung papangalanan ang mga sindikato at mga bugok na kasabwat nito sa bureau.

‘Kung totoong may mga nakapatong sa smuggling dapat nilang pangalanan ang mga ito para matigil na sila sa pananabotahe sa gobyerno para magkaroon ng reporma dito,” sabi ni Quimbo.

Idinagdag pa ni Quimbo na hindi maganda ang relasyon ng dalawang top brass official sa bureau gayundin ang matinding paksyon sa loob kaya dapat ito ang magamot para maging smooth ang operasyon sa ahensiya.

 

Show comments