MANILA, Philippines – Simula ngayon, mae-enjoy na ng mga Pilipino ang PayMaya VISA card with beep na unang live three-in-one card na magagamit sa pagbabayad sa LRT/MRT fares, online commerce at face-to-face store transactions.
Ang PayMaya Visa card ay may built-in beep wallet bukod pa sa magagamit sa ibang online transactions.
Inilunsad ito ng Smart eMoney, Inc. na siyang digital financial innovations unit ng PLDT at Smart Communications, Inc. (Smart).
Layon ng 3 in 1 card na mabigyan ng madaling pakikipagtransaksiyon ang publiko kung saan may mga benepisyo rin tulad ng ibang visa card sa ilalim Automated Fare Collection System (AFCS).
Pinadadali nito ang sistema sa pakikipagtransaksiyon dahil maaaring gamitin ito sa light railway transport system at online shopping sites tulad ng Zalora, Philippine Airlines at AirBNB sa pamamagitan ng PayMaya mobile app.
Ang special limited offer na PayMaya Visa Card with beep na makukuha bago matapos ang taon ay libre at may bonus na P30 beep stored value kung lo-loadan ito ng P100 sa PayMaya activation booths sa ilang piling MRT at LRT stations. Maari ring i-download ang PayMaya app sa Google Play.
“Our PayMaya Visa Card, the first live card of its kind in the country will enable Filipinos to extend their carded experience beyond beep and further to online commerce. This is another big milestone for us as a global leader in financial inclusion,” ani Orlando B. Vea, president ng Smart eMoney.