MANILA, Philippines – Dapat ipaalam kaagad sa publiko ang mangyayaring pagkabalam sa biyahe ng mga eroplano sa pagdating ng nasa 21 pinuno ng iba’t ibang bansa na lalahok sa APEC summit sa Nobyembre.
Ayon kay Sen. Ralph Recto, noong dumating sa bansa si Pope Francis ay ipinasara ang Ninoy Aquino International Airport ng ilang oras maging ang airspace ng bansa para lamang sa isang head of state.
Dapat aniyang malaman ng publiko ang plano kung ano ang gagawin sa pagdating ng 21 lider dahil tiyak na magkakaroon ng pagsisikip sa nag-iisang runway ng paliparan.
“When Pope Francis flew into town, we closed the airport for hours. When His Holiness left, we shut down the airspace above NAIA for almost half a day.
And that was for one head of state only. How much more if 21 heads of state would descend on our congested, single-runway airport at the same time?” ani Recto.
Nakatitiyak si Recto na ang ilan sa mga darating ay may dalang sariling eroplano katulad ni US President Barack Obama na may decoy na Air Force One.
“Some will be arriving with an air fleet in tow, like Obama with his decoy Air Force One. Others with escorts,” pahayag ni Recto.
Mas makabubuti aniyang magpalabas ng maagang advise sa publiko sa domestic at international flight disruptions sa Nobyembre 18 hanggang 19.