^

Bansa

INC nananatiling matatag

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nananatiling matatag ang Iglesia ni Cristo (INC) matapos ang mga nagdaang kontrobersiya.

Sa kabila ng kasong isinampa ng itiniwalag na mi­nistro na si Isaias Samson Jr., na ngayon ay umuusad na sa Department of Justice (DOJ) hindi umano ito nakaapekto sa tiwala at paniniwala ng mga tagasunod ng INC.

Ayon kay INC spokesperson Bro. Edwil Zabala, kung meron mang mga pumapanig kay Samson ay mangilan-ngilan lamang kumpara sa milyon-milyon pa ring nanatili ang tiwala sa pamunuan ng INC.

Tiwala rin si Zabala na kung hindi magkakaroon ng manipulasyon ay lilitaw din na ang mga paratang ni Samson ay pawang kasinungalingan lamang.

Muli namang iginiit ni Zabala na walang naging kasunduan ang INC sa pamahalaan matapos ang ilang araw na pagkilos na ginawa ng kanilang mga kasapi sa DOJ at sa EDSA.?

Ang importante ayon kay Zabala ay natapos ng payapa ang pagkilos at naipahayag ng kanilang mga kasapi ang kanilang hinaing kay Justice Sec. Leila de Lima. 

 

ACIRC

ANG

AYON

CRISTO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIL ZABALA

ISAIAS SAMSON JR.

JUSTICE SEC

LEILA

MGA

ZABALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with