MANILA, Philippines - Magdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ang Business Without Capital (BWC) ngayong araw (Sept. 19) na gaganapin sa Function Hall ng New York Mansions Condominium sa #84 Monreal St., Barangay E. Rodriguez, Sr., Cubao, Quezon City.
Ang BWC ay nagsimulang maisahimpapawid sa himpilan ng radyo sa DZBB/GMA-7 sa programa ni Raul Virtudaso tuwing Sabado ng alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi upang makapagbigay ng mga tips at makatulong sa mga mamamayan na nagnanais na magkaroon ng hanapbuhay o negosyo nguni’t walang sapat na kapital.
Ang resource person ni Virtudaso sa programa na si Prof. Ricky Manzano, na siyang nakaisip sa konsepto at pangalan ng adbokasiya ay nagsimulang magkaroon ng free training seminar sa suporta ni ‘Walk for Life Enterprises’ na si Inventor Dalmacio Muring na siyang kauna-unahang Advocacy Partner.
Ngayon ay may 4,000 rehistradong miyembro na natulungan ng BWC at may 12 Advocacy Partners o mga kumpanyang kaagapay nito sa pagsusulong ng mga programa.
Ang selebrasyon ay katatampukan ang ‘feeding mission’ ng isa sa mga advocacy partner na si Mer Layson sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng KKK Soya Milk sa mga street children sa Brgy. E. Rodriguez, QC.