^

Bansa

BWC, 2-taon na sa pagtulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magdiriwang ng ika-2 taong anibersaryo ang Business Without Capital (BWC) ngayong araw (Sept. 19) na gaganapin sa Function Hall ng New York Mansions  Condominium sa #84 Monreal St., Barangay  E. Rodriguez, Sr., Cubao, Quezon City.

Ang BWC ay nagsimulang maisahimpapawid sa himpilan ng radyo sa DZBB/GMA-7 sa programa ni Raul Virtudaso tuwing Sabado ng alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi upang makapagbigay ng mga tips at makatulong sa mga mamamayan na nagnanais na magkaroon ng hanapbuhay o negosyo nguni’t walang sapat na kapital.

Ang resource person ni Virtudaso sa programa na si Prof. Ricky Manzano, na siyang  nakaisip sa konsepto at pangalan ng adbokasiya ay nagsimulang magkaroon ng free training seminar sa suporta  ni ‘Walk for Life Enterprises’ na si Inventor Dalmacio Muring na siyang kauna-unahang Advocacy Partner.

Ngayon ay may 4,000 rehistradong mi­yembro na natulungan ng BWC at may 12 Advocacy Partners o mga kumpanyang kaagapay nito sa pagsusulong ng mga programa.

Ang selebrasyon ay katatampukan ang ‘feeding mission’ ng isa sa mga advocacy partner na si Mer Layson sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng KKK Soya Milk sa mga street children sa Brgy. E. Rodriguez, QC.

ADVOCACY PARTNER

ADVOCACY PARTNERS

ANG

BUSINESS WITHOUT CAPITAL

FUNCTION HALL

INVENTOR DALMACIO MURING

LIFE ENTERPRISES

MER LAYSON

MONREAL ST.

NBSP

NEW YORK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with