^

Bansa

200 local officials lumipat sa NPC

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos 200 local officials mula sa iba’t ibang partido kabilang na sina Caloocan City Rep. Recom Echiverri at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya ang nanumpa sa kampo ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) kahapon.

Si Echiverri ay mi­yembro ng Liberal Party habang si Andaya naman ay kilalang kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Sinabi ni NPC Secretary General at Batangas Rep. Mark Leandro Mendoza, karamihan sa mga nag-ober da bakod sa kanilang partido ay mula sa LP, Nacionalista Party (NP) at United Nationalist Alliance (UNA) na mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, ilang bahagi ng Metro Manila, Quezon, Batangas at Laguna.

Ayon pa kay Mendoza, nagulat na lamang sila dahil matapos magdeklara ng kandidatura sina Senators Grace Poe at Chiz Escudero ay marami ng tumawag sa kanila at gustong lumipat.

Ito ay sa kabila ng wala pang inihahayag na susuportahan ang NPC para sa 2016 presidential elections.

Nilinaw naman ng kongresista na bubuo muna sila ng coalition ng political parties at saka magdedesisyon kung sino ang kanilang susuportahan sa dara­ting na halalan.

ACIRC

BATANGAS REP

CALOOCAN CITY REP

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR REP

CHIZ ESCUDERO

GLORIA ARROYO

LIBERAL PARTY

MARK LEANDRO MENDOZA

METRO MANILA

NACIONALISTA PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with