MANILA, Philippines - Pitong buwan matapos bumaba ang ratings pagkatapos ng madugong engkuwentro sa Mamamasapano ay rumatsada ang ratings ni Pangulong Noynoy Aquino sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS.?
Sa third quarter ng taon ay nasa 64% ang gross satisfaction ni PNoy, na umangat mula 57% mula nung second quarter.
Tumaas sa halos lahat ng sektor ang mga rating ng Pangulo, maliban na lamang sa Mindanao kung saan nabawasan ito ng 2%.?
Taliwas ang resulta ng mga nakaraang survey sa mga prediksyon ng ilang political analyst na “lame duck” or patuloy na ang pagbagsak ng rating ni PNoy kaya’t wala nang masyadong bigat ang pag-endorso niya kay Mar Roxas bilang kandidato ng administrasyon sa pagpapatuloy ng Daang Matuwid.
Inaasahang malaki ang magiging epekto ng patuloy na pag-angat ng ratings ni PNoy sa pag-eendorso niya kay Roxas, na umaangat na rin sa mga iba’t ibang survey na lumalabas tungkol sa halalan.