MANILA, Philippines - Kumikiling na ang Liberal Party kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo na pambato bilang bise presidente sa 2016.
Sa paliwanag ni Rep. Reynaldo Umali, nabubuo na ang consensus ng partido na si Cong. Robredo ang isabak sa vice presidential race.
Para kay Umali, kinakatawan ni Cong. Robredo ang daang matuwid na isinusulong ng LP dahil sa kanyang walang bahid na record.
“Ang aming mga kandidato para i-prepare ang continuation of daang matuwid even after 2016. Napakaswerte ng aking kasamahan na si Leni Robredo. I wish her all the best,” ani Umali.
Una nang nagpahayag ng suporta si Senate President Franklin Drilon kay Cong. Robredo bilang pambato ng partido bilang bise presidente.
Nanawagan din si Sen. Serge Osmeña sa Liberal Party na kunin si Robredo bilang katambal ni Mar Roxas sa 2016.
Para kay Osmeña, kuwalipikado si Robredo at madaling ibenta sa publiko kaya siguradong patok ito bilang VP sa 2016.