^

Bansa

LP kumikiling na kay Leni bilang VP

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumikiling na ang Libe­ral Party kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo na pambato bilang bise presidente sa 2016.

Sa paliwanag ni Rep. Reynaldo Umali, nabubuo na ang consensus ng partido na si Cong. Rob­redo ang isabak sa vice presidential race.

Para kay Umali, kinakatawan ni Cong. Rob­redo ang daang matuwid na isinusulong ng LP dahil sa kanyang walang bahid na record.

“Ang aming mga kandidato para i-prepare ang continuation of daang matuwid even after 2016. Napakaswerte ng aking kasamahan na si Leni Robredo. I wish her all the best,” ani Umali.

Una nang nagpaha­yag ng suporta si Senate President Franklin Drilon kay Cong. Robredo bilang pambato ng partido bilang bise presidente.

Nanawagan din si Sen. Serge Osmeña sa Liberal Party na kunin si Robredo bilang katambal ni Mar Roxas sa 2016.

Para kay Osmeña, kuwalipikado si Robredo at madaling ibenta sa publiko kaya siguradong patok ito bilang VP sa 2016.

ACIRC

ANG

ATILDE

CAMARINES SUR REP

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

REYNALDO UMALI

ROBREDO

UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with