^

Bansa

‘Wala na si FPJ:’ UNA umaasa pa rin sa suporta ni Erap kay Binay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaasa pa rin ang United Nationalist Alliance na susuportahan ni dating pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph Estrada ang kandidatura ni Bise Presidente Jejomar Binay sa 2016.

Sinabi ni UNA Secretary General JV Bautista na kailanman ay hindi iniwan ni Binay si Estrada noong mga panahon na inuulan ng kontrobersiya ang dating pangulo.

"Erap is my dear friend. We have been in politics for so many years already, ang mga mahihigpit na laban ni Erap we were there for him. Lahat ng laban ni Erap, kasama si Binay...There was not a single instance na iniwanan siya ni Binay... Where should the payback be?" pahayag ni Bautista.

Napapabalitang susuportahan ni Estrada ang kandidatura ni Sen. Grace Poe bilang pangulo, ngunit iginiit ni Bautista na kung anuman ang pinagsamahan nila ng yumao nang si Fernando Poe Jr. ay hanggan doon na lamang dapat ito.

"Kung meron man syang link kay FPJ, wala naman na si FPJ di ba?And this is not FPJ (referring to Grace). So we believe the politics of Erap will somehow be seriously considered and we'll rule the day from here," pagpapatuloy ni Bautista.

Sinabi ni Estrada noong Setyembre 12 sa pagkatapos ilunsad ang “Rebolusyon Kontra Gutom” sa Baseco compound sa Tondo na susuportahan niya ang kandidatong uunahin ang kapakanan ng mga mahihirap.

 “Grace Poe is my goddaughter. Vice President Binay is my kumpadre and Mar Roxas was one of the best Cabinet members during my term as president. I will support the one who can do good for the Filipino people,” Estrada said.

Nauna nang inilarawan ni Estrada si FPJ na “more than a brother to me.”

Inaasahan namang ihahayag ni Poe ang kaniyang desisyong tumakbo bilang pangulo mamaya sa Bahay ng Alumni ng University of the Philippines-Diliman.

ACIRC

ANG

BAUTISTA

BINAY

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

ERAP

FERNANDO POE JR.

GRACE POE

MANILA CITY MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAR ROXAS

QUOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with