Mar binalewala ang kandidatura ni Poe

LP presidential bet Mar Roxas. AJ Bolando, Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Ipinagkibit-balikat ni LP presidential bet Mar Roxas ang mga balitang magdedeklara na ng kanyang kandidatura si Sen. Grace Poe para sa eleksyon sa 2016.

“Well ang Pangulo at yours truly ay naghain ng imbitasyon na manatili sa Daang Matuwid. Nagsimula ang career ni Senadora Grace sa Team PNoy ng Daang Matuwid at kaya inanyayahan natin na manatili sa Daang Matuwid. Nasa sa kanya ang pagpasya kung ano ang tatahakin niya,” pahayag ni Roxas.

Nasa lungsod Quezon si Roxas kahapon para sa pag-endorso sa kanyang kandidatura ng A-Teacher party-list. Kabahagi ito ng sunud-sunod na mga pag-eendorso kay Roxas ng iba’t ibang sektor, civil society pati na rin mga pulitiko.

Ganito rin halos ang naging pahayag ni Pangulong Aquino nang hingan siya ng pahayag tungkol sa nababalitang pagdedeklara ni Poe. “Why should we be worried? We would like to hear what she would say. Whatever her announcement is, we’re still advocating governance based on a particular or specific platform,” sabi ni PNoy.

Show comments