David sa pagtakbo ni Grace Poe sa 2016: Walang modo
MANILA, Philippines – Tila nababastusan ang isang natalong senatorial candidate sa planong pagtakbo ni Sen. Grace Poe bilang pangulo sa susunod na taon sa kabila ng kaniyang kinakaharap na disqualification case dahil sa kaniyang nasyonalidad.
"Hindi naman magiging iligal yung kanyang gagawin, subalit 'yun na nga, parang walang modo. Walang modo, indecent at (un)ethical, because there is an ongoing case na may bearing sa kanyang pagtakbo," pahayag ni Rizalito David sa kaniyang panayam sa dzMM.
Aniya dapat munang maklaro ni Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET) ang kaniyang isyu sa citizenship bago magdeklara ng kaniyang pagtakbo sa 2016.
Inaasahang bukas ihahayag ni Poe ang kaniyang kandidatura sa University of the Philippines Bahay ng Alumni sa Quezon City.
Naghain ng disqualification case si David laban kay Poe sa SET dahil sa umano’y hindi natural-born Filipino ang senadora, dahilan upang madiskwalipika sa pag-upo sa gobyerno.
- Latest