MANILA, Philippines – Umalma si dating Philippine National Police-Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas kahapon sa umano’y pagbabaliko ng Monday insisted that the Moro Islamic Liberation (MILF) sa katotohan kaugnay ng madugong bakbakan sa Mamasapano nitong Enero.
"Gusto nila i-divert kasi yung katotohanan na MILF ang pumatay doon sa 44 and yet wala pang katarungan sa kanila," pahayag ni Napeñas sa ABS-CBN News.
Muling napag-usapan ang pagkasawi ng 44 miyembro ng SAF matapos sabihin ni Pangulong Benigno Aquino III na tinitignan nila ang “alternative version” ng Mamasapano clash.
Sinabi ng dating hepe ng SAF na insulto ito sa mga nagbuwis ng buhay upang mapaslang si Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alyas Marwan .
"Kung pwede naman pala 'yan i-abot na (sa) silver platter bakit kailangan pumasok 'yung tropa namin for operations na ganyan. Namatayan pa kami nang marami," ani Napeñas.
Iginiit niya na ang mga tauhan niya ang nakapatay kay Marwan at ang kanilang misyon ay may basbas ni Aquino.
"Ang katotohanan dito sa Mamasapano incident, isa lang... si Marwan ay pinatay ng Special Action Force troopers na nagsagawa ng legal, legitimate, lawful police operation against Marwan at may basbas 'yan sa pinakamataas na pinuno ng Pilipinas," wika ni Napeñas.
Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente kasabay ng paghahanap ng hustisya ng mga nasawing miyembro ng SAF.