MANILA, Philippines – Hindi inaalala ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagtakbo bilang pangulo ni Sen. Grace Poe sa susunod na taon.
Sinabi ni Aquino ngayong Lunes na sa katunayan ay nais niyang marinig ang mga plano ni Poe na napabalitang opisyal na ihahayag ang pagtakbo sa Miyerkules.
"Worried? Why should we be worried of her announcing her plans? We really would like to hear what she says. Are we worried? No, we are not worried," pahayag ng Pangulo.
Nananatiling matunog ang pangalan ni Poe sa mga nagtatangkang maging pinuno ng bansa, ngunit hindi ito pinapansin ng administrasyon.
"I think the party stands on a particular platform. We are moving away from personality politics to platform-based politics," komento ni Aquino.
"So whatever her announcement is, we still will be advocating governance based on... platform rather than just who's, 'di ba, rather just any personality," dagdag niya.
Inamin ni Aquino nitong nakaraang linggo na umaasa pa rin siya kay Poe upang maging running mate ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas
Bukod kay Poe ay dalawang tao pa ang tinitignan ng Pangulo na makakatambal ni Roxas.
"I cannot speak at this point in time if we’ve narrowed down but we do have criteria as to whom," sabi ni Aquino.
"And at the end of the day, siyempre, ang aming standard-bearer will have the biggest say as to who he wants as a running mate.”