Kampanyang bumoto pag may resibo, inilunsad ng AES watch
MANILA, Philippines – Naglunsad ng kampanya ang Automated Elections Systems Watch sa hangarin na matiyak ang transparency sa Eleksyon 2016.
Ito ay ang PCOS: Bumoto pag may resibo.
Ang kataga ay nakasaad sa isang poster na ang disenyo ay kinopya sa poster ng BIR na nagpapaalala sa mga mamimili na humingi ng resibo.
Sa disenyo ng poster mula sa AES Watch, sa kaliwang bahagi nito ay nakasaad ang mga katagang: ASK FOR RECEIPT, this will ensure that your votes are counted accurately.
Sa kanang bahagi naman ng poster, nakasulat ang probisyon sa Automated Elections Systems Act o RA 9369, partikular na ang Section 7 ng batas nag-oobliga na ang teknolohiyang gagamitin sa automated elections system ay meron dapat voter verified paper audit trail o VVPAT.
Ang VVPAT o resibo na dapat ay iniluluwa ng makina ay mekanismo na titiyak na binasa ng makina nang tama ang boto ng isang botante.
Indikasyon lamang ito na na-irecord ang boto ng isang botante.
- Latest