Water interruption tuloy na sa Sept. 16

MANILA, Philippines - Epektibo sa Miyerkules, September 16 ay ipatutupad na ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang rota­ting service interruptions sa West Zone para matulungang mamantine ang water level sa Angat Dam sa panahon ng El Niño.

Ayon sa Maynilad, araw-araw ang water interruptions mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. May 900 barangays o 56 percent ng mga water users na sinusuplayan ng Maynilad ang apektado nito.

Ayon kay Maynilad Water Supply Operations Engr. Ronaldo Padua, bagamat may ulan na nararanasan sa may Ipo watershed, hindi naman anya sapat ang suplay ng Ipo para mamantine ang water production ng Maynilad sa mahabang panahon.

Anya, may mga water tanks namang nakaantabay sa mga lugar na makakaranas ng mahabang oras ng pagkawala ng tubig.

Ang mga apektadong lugar ay ang Maynila, QC, Makati, Caloocan North, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon gayundin sa lunsod ng Cavite, Bacoor at Imus at bayan ng Kawit, No­veleta at Rosario sa lalawigan din ng Cavite.

Show comments