MANILA, Philippines – Magkahiwalay na kasong libel ang isinampa ni Bise Presidente Jejomar Binay laban sa kaniyang mga kritiko na sina Sen. Antonio Trillanes IV at dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa Makati City Prosecutor’s Office.
Sinabi ni Bnay sa kaniyang limang-pahinang reklamo na nagkalat ng kasinungalingan at kasiraan si Mercado sa kaniyang pahayag na lumabas sa Philippine Daily Inquirer, kung saan kumita umano ng halos P200 milyon ang bise president mula sa mga maanomalyang transaksyon sa pagitan ng Boy Scouts of the Philippines at real estate developer Alphaland Corp.
“The foregoing libelous statements were published in both the front page headlines of the Philippine Daily Inquirer on 22 January 2015…The subject libelous statements falsely and maliciously impute on me, despite the utter lack of evidence, the commission of various crimes and violations of law, including but not limited to those defined and penalized under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Said statements likewise imputed on me vices and defects, which caused me dishonor, discredit and contempt,” nakasaad sa reklamo.
Samantala, ang paratang naman ni Trillanes na nakatanggap ng kickback si Binay ng P100 milyon mula sa mga umano’y ghost senior citizens.
“The foregoing statements are utterly false and baseless,” dagdag niya.
Aniya sinisiraan siya ni Trillanes dahil tatakbo siyang pangulo sa susunod na taon.
“Being the consistent front-runner in the Presidential Elections in May 2016, unscrupulous individuals, including respondent Trillanes, have conspired to politically assassinate me by blatantly and publicly maligning my good name and reputation with lies and defamatory statements such as the above-quoted public statements,” pagpapatuloy ni Binay.
Sinabi ng dating alkalde ng Makati na walang pinanghahawakang ebidensya si Trillanes.