Binay, Poe at Mar pinulong ni Tagle
MANILA, Philippines – Nagkasama-sama sa isang pagtitipon na ipinatawag ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga presidential aspirant na sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe at DILG Secretary Mar Roxas.
Layon ng pulong na ginawa sa Arzobispado de Manila kamakalawa ng gabi na pinangasiwaan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na mabigyan ng malinaw na pag-iisip ang mga inaasahang tatakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.
Walang isyu o palitan ng mga masasakit na salita laban sa isa’t isa ang lumitaw.
Hulyo nang isagawa ang ‘Servant Leadership Conference in Public Service’ sa Crown Plaza Mandaluyong, kung saan higit sa limang daang kawani at opisyal ng gobyerno ang dumalo.
Una na ring binigyan diin ni Pope Francis na ang pulitika ang pinakamataas na uri ng pagkakawanggagawa dahil ito ay paglilingkod para sa kapwa.
Tiniyak naman ni PPCRV chairperson Henrietta de Villa na may isa pang pagtitipon at pagdarasal kasama ang mga pulitiko na tatakbo sa susunod na halalan.
- Latest