MANILA, Philippines - Ayaw ni Pangulong Benigno Aquino III na magkawatak-watak ang alyansa patungong sa kaniyang "Daang Matuwid" ilang buwan bago ang halalan sa susunod na taon.
Dahil dito, inamin ni Aquino na umaasa pa rin siya na tatanggapin ni Sen. Grace Poe ang alok ng Liberal Party na maging running mate ni Interior Secretary Mar Roxas sa 2016 elections.
"We are hoping that there is less division among our forces allied in Daang Matuwid," pahayag ni Aquino sa isang media forum ngayong Martes.
BASAHIN: LP pagod nang habulin si Poe
Sa kasalukuyan ay wala pa ring katambal si Roxas, ilang linggo bago ang pasahan ng certificate of candidacy sa Oktubre.
"He has the right to choose whom he thinks should be his partner," wika ni Aquino.
Hindi rin aniya pang kailangan magpulong ang LP upang pag-usapan kung sino ba dapat ang maging running mate ni Roxas.
"Do we need a caucus to tell Mar who should be his running mate? Palagay ko hindi ganoon ang process," dagdag niya.
Samantala bukod kay Poe, sinabi ni Aquino na dalawang tao ang tinitignan niya upang tumakbo sa ilalim ng administrasyon.
Hindi naman ito pinangalanan ng Pangulo ngunit napabalita noon na alinman kina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos ang makasama ni Roxas.