Arraignment ni Corona muling ipinagpaliban

MANILA, Philippines – Sa ikapitong pagkakataon, muli na namang ipinagpaliban ng  Court of Tax Appeals ang pagbasa ng sakdal laban kay dating Chief Justice Renato Corona  hinggil sa nalalabing anim na bilang ng tax evasion case na naisampa laban dito. Si Corona ay nahaharap sa 12 counts ng paglabag sa National Internal Revenue Code dahil sa kuwestiyonableng income tax return nito at hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno. Itinakda ng CTA ang arraignment sa Oktubre 7 sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Show comments