Binay hiningi ang suporta ng NPC

MANILA, Philippines – Nakipagpulong ngayong Lunes si Bise Presidente Jejomar Binay sa mga miyembro ng Nationalist People's Coalition (NPC) upang hinging ang kanilang supota sa kaniyang pagtakbo sa susunod na taon.

Kasama ni Binay ang kaniyang mga anak na sina Sen. Nancy Binay at suspendidong Makati City Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay Jr., gayun din ang ilang miyembro ng United Nationalist Alliance sa pagpupulong sa NPC Clubhouse sa New Manila, Quezon City.

Samantala, sinabi ni UNA spokesperson Mon Ilagan na kumpiyansa ang nakatatandang Binay na makukuha niya ang suporta ng NPC.

Ayon sa mga ulat, marami nang miyembro ng NPC ang nagpahayag ng suporta kay Sen. Grace Poe, ngunit pinagbigyan din ang Bise Presidente na ihayag ang kaniyang mga plano.

Bukod kay Binay ay nakipagpulong na rin ang NPC kay Poe at Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Ang NPC ang pangalawang pinakamalaking political party sa bansa kasunod ng LP.

 

Show comments