MANILA, Philippines – Isang “big time oil price hike” ang nakaambang ipatupad ngayong darating na linggo.
Sa pagtataya ng mga oil industry sources, naglalaro mula P1.50- P2 kada litro sa diesel at gasolina ang maaaring itaas ng mga kumpanya ng langis.
Ayon sa Department of Energy, ito ay dahil umano sa pagtaas ng “financial standing” ng Estados Unidos at pagtaas sa demand sa krudo at gasolina ng mga bansa sa Africa.
Mapuputol ng pagtataas ang 11 sunod na rolbak sa bansa. Pinakahuli ang rolbak nitong Agosto 30 kung saan naibaba sa P1.45 ang kada litro ng gasoline, P.70 sentimos sa kada litro ng diesel at P.90 sa kerosene.