^

Bansa

Mga unggoy nagpositibo sa Ebola virus

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa Ebola Reston virus ang mga unggoy mula sa isang hindi tinukoy na pasilidad sa bansa.

Mismong si DOH Secretary Janette Garin ang nag-anunsyo sa media, batay na rin sa impormasyong nakuha nila mula sa Department of Agriculture.

Ayon kay Garin, maaaring makahawa ang Ebola Reston virus sa tao pero hindi ito magpapakita ng sintomas ng sakit.

Paliwanag pa ng kalihim, maraming klase ng Ebola at mayroong uri nito na matindi ang epekto sa hayop, ngunit hindi nakakaapekto sa tao.

Idiniin pa ng kalihim na ang nadiskubreng klase ng Ebola virus sa unggoy ay ang uri na pinakamahina ang epekto sa tao na sakaling maisalin ay hindi nagiging sakit.

“Maraming klase ng Ebola. Meron Ebola na grabe ang epekto sa hayop, ngunit hindi naapektuhan ang tao. This is a possible case of Ebola Reston. Ito ang  pinakamabait na Ebola Virus sa tao,” ani Garin.

Gayunman, inoobserbahan pa rin aniya ng kagawaran ang 25 empleyado ng pasilidad kung saan nadiskubre ang unggoy na tinamaan nito.

Sila umano ay kinunan ng blood samples at dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nag-negatibo naman ang resulta.

Ang pasilidad ay minamantine ng 25 tagapag-ala­ga at nasa 301 ang mga unggoy na hawak nila.

Pinaalalahanan din ng DOH ang publiko na huwag mag-panic lalo pa’t posibleng kumalat ang maling impormasyon gayong limitado lamang sa mga unggoy ang nadiskubreng Ebola.

Ang mahalaga aniya ay natuklasan na ito at hinahanapan na rin ng paraan para mapigilang kumalat.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan muli ng DOH kung saan galing ang nasabing sakit na posible umanong dala ng mga paniki.

Tinutunton na o idina­daan sa sequencing ang genetic material ng mga apektadong unggoy sa Australia at Japan upang matukoy ang origin ng virus at sa Setyembre 10 ay inaasahang malalaman ang resulta.

Sa kasaysayan, noong 1989 nang unang maiulat ang infected na mga unggoy ng Ebola Reston sa Pilipinas, nasundan ito noong 1992 hanggang 1993 at 1996. Taong 2008 nang makitaan ng nasabing virus ang mga baboy.

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

EBOLA

EBOLA RESTON

EBOLA VIRUS

GARIN

MERON EBOLA

MGA

RESEARCH INSTITUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with