Albay naka-3 na sa Galing Pook awards
MANILA, Philippines - Muling ipinakita ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Albay sa pamumuno ni Gov. Joey Salceda ang tibay at husay nito nang sa pangatlong pagkakataon ay masungkit ang Galing Pook Awards sa good governance o mahusay na pamamahala.
Ayon kay Salceda, apat lamang ang ginagawa nilang batayan sa Team Albay sa mahusay na pamamahala at ang mga ito ay kinabibilangan ng pagganti ng mabuting loob sa mga gumawa rin ng kabutihan, pantay-pantay na pagtrato, pagkakaisa at pagiging mapagbigay.
Inalala din ni Salceda ang ginawang pagdamay sa Albay ng sambayanan noong 2006 sa kasagsagan ng pagdapa ng ekonomiya at kabuhayan ng mamamayan ng lalawigan dahil sa climate change o di maintindang pag-uugali ng panahon.
Para kay Salceda, hindi umano tamang isipin ng sinuman na ang kahirapan ng mamamayan ay kagustuhan ng Maykapal dahil lahat ng tao ay binibigyan ng pagkakataon na itama ang mga kamaliang dulot ng kasaysayan.
Patunay lamang umano nito ang Team Albay ay nagtatrabaho at kumikilos ng sama-sama para sa iisang misyon patungo sa pagbabago ng kabuhayan ng mga mamamayan.
- Latest