Walang Mar-Leni? Robredo namimili sa Kamara o Senado sa 2016
MANILA, Philippines — Inamin ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na pinag-iisipan niya ang muling pagtakbo sa Kamara o ang pag-akyat sa Senado para sa nalalapit na eleksyon.
"'Yung paghahanda ko reelction pero dahil nandun yung option na subukan yung Senado titignan ko yung numbers," pahayag ni Robredo sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.
Isa sa mga nais pag-igihin ng kongresista kung tatakbo siya bilang senador ay ang hindi magandang ratings niya sa Mindanao.
"Ang baba ng awareness ko dito. Mababa 'yung rating. Kaya siguro titignan ko ulit ngayon 'yung survey... kasi kung malayo naman doon na lang ako sa amin," Robredo said.
Sa kabila ng kaniyang pamimili sa Kamara o Senado, nananatili pa rin ang mga panawagan sa pagtakbo niya bilang bise presidente ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas.
Isa si Sen. Sergio Osmeña III sa mga naniniwalang mananalo si Robredo kung tatakbong bise presidente.
“Leni comes off as the extension of the image of Jesse. And yes, he was really pro-people, he was the most down to earth, humble, local government official that I met but effective, super effective,” wika ng senador.
“It’s not going to be hard to convince Leni to run, no, because she already said if I’m the last one then I’ll take it. She’s very loyal to the group or the party or whatever it is. So she already said it – kung wala na kayong makuha, ok lang (If you can’t find anyone, then I’m okay),” dagdag niya.
- Latest