PNoy buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa kay De Lima

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagiging kontrobersyal, tiniyak ng Malacañang na pinagkakatiwalaan pa rin ni Pangulong Benigno Aquino III si Justice Secretary Leila de Lima.

"Walang pagbabago sa sitwasyon, patuloy ang pagpapairal sa rule of law. Buo ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. de Lima," pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Nitong weekend ay nagsagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) laban  kay De Lima dahil sa umano’y pangingialam niya sa simabahan.

Kasabay nito ay nananawagan ang INC na bumaba sa pwesto si De Lima.

Natapos kahapon ang protesta kasunod ng pakikipagpulong sa gobyerno, kung saan may mga ulat na nakipagkasundo ang INC sa administasyon na tanggalin si De Lima.

"There was no deal struck, as some insinuate. The talks gave both sides an opportunity to clarify issues and concerns," wika kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi ni De Lima na ginagawa niya lamang ang kaniyang trabaho sa pag-aksyon sa kasong illegal detention na isinampa ng itiniwalag na ministro laban sa Sanggunian ng INC.

Hindi naman nagpatinag ang kalihim at sinabing magbibitiw siya sa tamang panahon ngunit hindi dahil sa INC.

 

 

Show comments