Itiniwalag na ministro ng INC, kontra sa katiwalian ng Sanggunian 'di sa simbahan

Nagtungo sa EDSA-Shaw boulevard ang libu-libong miyembro ng INC nitong weekend bilang protesta sa umano’y pangingialam ni Justice Sec. Leila de Lima sa kanilang simbahan. Philstar.com/EC Toledo, file

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagtitipon sa EDSA, iginiit ng itiniwalag na ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na ang katiwalian sa kanilang simbahan ang kaniyang kinakalaban.

Sinabi ni Isaias Samson Jr. na malala na ang katiwalian na ginagawa ng Sanggunian ng INC.

Aniya ginagawang panangga ng Sanggunian ang mga miyembro ng simbahan na nagsagawa ng kilos protesta sa Maynila na kalaunan ay inilipat sa EDSA nitong weekend.

"I know who they are, what they can do and they will do just to protect themselves... In the past days they have lied to people, they used the name of Bro. Eduardo Manalo in order to make the members of the church follow them and they even made the members of the church to shield them," wika ni Samson sa ABS-CBN News Channel.

Dagdag niya na hindi siya handang makipag-usap sa Sanggunian na kinasuhan niya ng illegal detention dahil sa umano’y pagsailalim sa kanila sa house arrest.

Sinabi pa ni Samson na nagpadala ng dalawang tao ang Sanggunian sa Amerika upang kausapin ang ilang miyembrong dinadaing ang umano’y korapsyon sa loob ng kanilang simbahan.

Ang ilan pa, aniya, na mga itiwanalag na miyembro ay kinakausap na rin ng Sanggunian.

"If there's something that happens to me, so be it. I believe it is God's will as long as I have my life and my strength. I will continue to fight against corruption,” pahayag ni Samson.

 Nagtungo sa EDSA-Shaw boulevard ang libu-libong miyembro ng INC nitong weekend bilang protesta sa umano’y pangingialam ni Justice Sec. Leila de Lima sa kanilang simbahan.

Nagdulot ng pagbigat lalo sa daloy ng trapiko ang naging protesta na nagtapos kahapon ng umaga matapos makausap ng INC ang gobyerno.

Show comments