MANILA, Philippines – Inaprubahan ng isang komite ng House of Representatives ang panukala ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo upang ayusin at pabilisin ang serbisyo ng Social Security System (SSS).
Layunin ng panukala na inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises na bigyan ng kapangyarihan ang SSS para mag-patawad ng penalties at interest sa mga utang at kontribusyon ng mga delingkwenteng borrowers at miyembro ng nasabing institusyon.
Sinabi ni Castelo na bibigyan din ng kanyang bill ang SSS ng kapangyarihan upang mag-restructure ng mga utang ng mga SSS members na nahihirapang magbayad dahil na rin sa hirap ng buhay.