^

Bansa

Leila pinagbibitiw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng bigyan ng graceful exit ng Malacañang si Justice Secretary Leila de Lima na sinasabing ‘bargain’ ng Iglesia Ni Cristo upang itigil ang kilos-protesta ng INC.

Ilang impormante ang nagsabing malamang na pagbitiwin na ng Malacañang sa puwesto anumang araw mula ngayon si De Lima na kabilang sa senatorial line-up ng Liberal Party (LP).

Magugunitang si De Lima  ang  isinisigaw ng mga INC na umano’y nakikialam sa panloob na usapin ng isang relihiyon kaugnay sa iniharap na kasong illegal detention ni Minister Isaiah Samson, dating editor-in-chief ng “Pasugo”.

Kaugnay nito, natutuwa naman  ang Palasyo  sa pagtatapos ng malawakang pagkilos  ng mga kapatid sa Iglesia sa Metro Manila at iba’t-ibang panig ng bansa.

Tugon ito ni  Presidential Spokesperson Edwin Lacierda  matapos ilahad sa publiko ni INC General Evangelist Bro. Bienvenido Santiago na base sa kasunduan ay pinagbigyan ng gubyerno ang kahilingan ng kapatiran.

Nagpapasalamat ang Palasyo sa kautusan ng INC leadership na pauwiin na ang mga miyembro nito mula sa EDSA-Crossing sa Mandaluyong at Department of Justice para maibalik sa normal ang sitwasyon.

Wika pa ni Lacierda, sinikap ng gobyerno na umiral ang lamig ng ulo at diplomasya sa hindi pagkakaintindihan sa nasabing usapin.

Ayaw sabihin ng Ma­lacañang kung ano ang naging kasunduan nito sa INC matapos wakasan ng religious group ang kanilang 5-araw na protesta sa EDSA kahapon.

Pinasisiwalat ng kam­po ni Samson kina Pa­ngulong Benigno Aquino at Interior Secretary Mar Roxas ang umano’y nilalaman ng sinasabing kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng INC.

Sa isang pahayag, naglabas ng himutok sina Atty. Trixie Angeles at Atty. Ahmed Paglinawan kung bakit hindi naisama ang kanilang kliyente sa nasabing kasunduan gayong ang pinagmulan ng pagtitipon ay ang reklamong serious illegal detention na inihain ni Samson laban sa mga myembro ng Sanggunian ng INC.

Kaugnay nito, hiniling ni Angeles at Paglinawan kina Aquino at Roxas na maging transparent sa kasunduan.

Dapat umanong sabihin ng dalawang opisyal kung pinagtaksilan, ibinenta o ipinagtanggol nila si Samson sa INC. Anuman anila ang kinahinatnan ng pag-uusap, iginiit ng dalawang abugado na karapatan ng kanilang kliyente na malaman ang kasunduan.

ACIRC

AHMED PAGLINAWAN

ANG

ATILDE

BENIGNO AQUINO

BIENVENIDO SANTIAGO

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL EVANGELIST BRO

INC

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with