^

Bansa

Philippine Army kailangan ng 2,300 sundalo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan na ng Philippine Army ang pagre-recruit ng may 2,300 sundalo ngayong taon para italaga sa iba’t ibang unit sa bansa.

Ayon kay Army commanding general Lt. Eduardo Ano, inaprubahan na rin niya ang kahilingan para matugunan ang quota para sa mga sundalo ng 10th Infantry Division at Mechanized Infantry Division.

“The recruitment ay bukas sa mga kuwalipikadong indibiduwal na may potensyal na maging parte ng Philippine Army.We recruit 2,000 hanggang 3,000 sundalo kada taon,” sabi pa ni Ano.

Ang 10th Infantry Division ay nangangailangan ng 200 sundalo habang ang Mechanized Infantry Division ay may quota na 120 sundalo. Ang bawat unit ay may average na quota na 50 hanggang 100 sundalo.

Mula August, ang kagawaran ay nag-validate ng 1,322 aplikante para sa candidate soldier course.

Ang aplikante ay kailangang natural born citizen, may 72 units sa kolehiyo, at nagtataglay ng technical skills na kailangan ng AFP.

May taas na 5 feet at nasa edad na 18-26, binata o may good moral character.

Kailangan din anyang nakapasa ito sa pre-qualifying physical fitness test at physical medical exam; physicaly at mentally fit para sa pagsasanay sa military.

Ang aplikante ay maaring bumisita sa recruitment centers sa Fort Bonifacio, Taguig city sa Luzon; Camp Lapu-Lapu, Cebu City sa Visayas at Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City sa Mindanao.

ANG

CAMP EVANGELISTA

CAMP LAPU-LAPU

CEBU CITY

EDUARDO ANO

FORT BONIFACIO

INFANTRY DIVISION

MECHANIZED INFANTRY DIVISION

MULA AUGUST

ORO CITY

PHILIPPINE ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with