DOJ walang nilabag sa ‘separation of Church and State’ – Palasyo
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na walang nilabag na doktrina sa “separation of Church and State” ang Department of Justice sa pagtanggap nito sa inihaing reklamo laban sa ilang opisyal ng Iglesia Ni Cristo, ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr.
“Government observes the constitutional principle and does not interfere in the internal matters of any organization,” ayon kay Sec. Coloma.
Sabi ni Coloma, tumupad lamang sa kanyang tungkulin ang DOJ upang aksyunan ang reklamo ng sinipang ministro ng INC na si Isaias Samson Jr.
“With respect to complaints filed by any citizen or entity, the government is duty bound to take cognizance, in accordance with the law,” paliwanag ni Coloma.
Magugunita na nagsagawa ng kilos-protesta ang INC sa paligid ng DOJ noong Biyernes hanggang sa makarating ang kilos-protesta nito sa EDSA.
“There are processes involved under the law in the filing and processing of complaints at the DOJ and these are being observed,” dagdag pa ng PCOO chief.
Aabot sa 1,700 ang nasa rally sa EDSA, ayon sa pagtataya ng Eastern Police District dakong pasado alas-2:00 ng hapon.
Kahapon ang huling araw na pinapayagan ang INC na idaos ang kanilang pagkilos.
- Latest