MANILA, Philippines – Malaking bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ipinatupad ngayong araw (Agosto 30) ng ilang kumpanya ng langis.
Ang big time rollback ay pinangunahan ng Petron na nagbaba ng halagang P1.45 kada litro sa kanilang gasolina, P0.70 para sa diesel at P0.90 kada litro para sa kerosene.
Ang bigtime rollback ay epektibo alas-12:01 ng madaling araw at asahang susunod na ring mag-aanunsiyo ang ilang oil companies na may kahalintulad na halaga.
Ayon sa Petron, ang rollback ay bunsod nang paggalaw ng presyo nito sa world market.
Huling nagpatupad ng bawas presyo ang ilang oil companies nitong Agosto 18.