MANILA, Philippines - Bilib si Thai Prime Minister Prayut Chan-o-Cha sa ipinatupad na “Daang Matuwid” ni Pangulong Aquino.
“I admired the President’s leadership and his vision of ‘straight path’ (daang matuwid) in reforming and developing the Philippines towards sustained stability and prosperity,” wika ng Thai PM sa state luncheon sa Malacañang na ipinagkaloob sa kanya ng Pangulo.
Nagpasalamat din ang Thai PM sa mainit na pagtanggap sa kanya ni PNoy sa kanyang 2-day working visit sa Pilipinas.
Kapwa founding member ng ASEAN ang Thailand at Pilipinas kung saan ay nasa 6 na dekada na rin ang pagkakaibigan ng 2 bansa.
“Out two countries have stood side by side in facing challenges from the changes in the domestic and regional landscapes since pre-cold ward days until the present,” giit pa ng Thai PM.
Kabilang sa mga pinag-usapan nina Pangulong Aquino at Thai PM ay sa ASEAN, defense, trade, education, law enforcement, turismo, agrikultura at usapin sa West Philippine Sea.
Siniguro naman ng Thai PM na nagbalik na sa normalidad ang Thailand matapos ang nangyaring pambobomba sa Bangkok kung saan ay may nasugatang Pinoy.
Umalis na rin bandang alas-3:00 ng hapon ang Thai PM pauwi ng Thailand.