Budget ng state schools ‘all-time high’ – CHED

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga ulat na 50 na state universities and colleges (SUCs) ang tatapyasan ng budget sa susunod na taon.

Sinabi ni CHED chair Patricia Licuanan ngayong Biyernes na sa katunayan ay nasa “all-time high” pa nga ang pondo ng mga pampublikong paaralan sa kolehiyo.

"In response to reports that more than 50 SUCs received budget cuts for next year, it must be pointed out that in truth, only 10 SUCs will sustain net decreases in funding with Philippine Normal University (PNU) getting the largest reduction of 19 percent, University of the Philippines (UP) system 16 percent and the rest, single-digit decreases ranging from 0.59 to 7 percent,” paliwanag ni Licuanan.

Aniya malaki ang itinaas ng budget ng CHED mula nang maupo si Pangulong Benigno Aquino III sa puwesto noong 2010.

”The budget of state universities and colleges actually doubled from P23.8 billion in 2010 to an all-time high of P46 billion in 2016," pahayag ni Licuanan.

Ipinaliwanag pa niya na bumaba sa P558 milyon ang budget ng PNU mula P690 milyon dahil sa one-time congressional insertion na P100 milyon ngayong taon, habang ang P2.2 bilyon na tapyas sa UP system ay dahil naman sa one-time allotment para sa medical equipment ng UP-Philippine General Hospital  na nagkakahalaga ng P3.1 bilyon.

Kahapon ay nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo ng mga kabataan upang tutulan ang napabalitag pagbabawas ng pondo.

 

 

Show comments