MANILA, Philippines - Kinuwestyon kahapon ng ilang broker sa Bureau of Customs (BoC) ang umano’y “VIP treatment” ng ilang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang malalaking kumpanya ng bakal.
Nakasaad sa reklamo na hindi umano patas ang pagtingin sa ilang broker, na kapag wala aniyang koneksiyon, ibibinbin ang kanilang kargamento.
Matatandaang pinagpaliwanag ng ilang broker si DTI Undersecretary Victor Dimagiba kung paano na-release ang libo-libong container vans na naglalaman ng mga plywood samantalang kuwestiyonable umano ang mga dokumento nito.
Hindi umano dumaan ang nabanggit na mga kargamento sa inspection ng Bureau of the Philippine Standard (BPS) ng DTI.