MANILA, Philippines – Isang market vendor mula sa Tondo, Maynila ang naging milyonarya matapos kubrahin nito ang tinamaang P30,105,924.00 jackpot prize sa 6/45 lotto draw noong Agosto 19.
Tinamaan ng 50-anyos na vendor ang kumbinasyong 01-07-14-28-44-45 sa Agosto 19 6/45 lotto draw mula sa kanyang ‘inalagaang’ numero.
Ayon sa dalagang vendor, ibabahagi niya ang kanyang napanalunan sa kanyang mga kapatid, pag-aaral ng kanyang mga pamangkin, donasyon sa kanilang simbahan at magtatayo siya ng kanyang sariling grocery store.
Iniabot ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang tseke sa 50-anyos na market vendor kamakalawa sa PCSO head office sa Mandaluyong City.