MANILA, Philippines – Nagpakawala kahapon ng umaga ng tubig ang tatlong pangunahing dam sa bansa dulot ng pag apaw ng tubig doon sanhi ng mga pag uulan dala ng bagyong Ineng. Sa tala ng dam monitoring division ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration, binuksan ang lahat ng gates kahapon ng umaga ng Ambuklao dam sa Benguet ng may 9 meters. Ito ay dahil nakapagtala ang naturang dam ng 749.85 meters ng tubig kahapon ng umaga mula sa 749.47 meters noong August 23, Linggo.Umaabot sa 752 meters ang spilling level ng naturang dam.
Binuksan din ang lahat ng gates ng Binga dam sa Benguet ng may 11.5 meters dahil mula sa 573.10 meters ng tubig sa dam noong Linggo, August 23, kahapon ito ay umabot sa 574.27 meters, araw ng Lunes dahil sa patuloy na pag ulan doon. Umaabot sa 575 meters ang spilling level ng naturang dam.
Dalawang gates naman ng San Roque dam sa Pangasinan ang binuksan ng 3 meters dahil umabot sa 284.02 meters kahapon ang water level nito mula sa 283.51 meters noong Linggo, August 23. Umaabot sa 280.00 meters ang spilling level ng naturang dam.
Kahapon ng umaga, umaabot naman sa 182.57 meters ang water level ng Angat dam sa Bulacan mula sa dating 181.79 meters noong Linggo August 23.Umaabot naman sa 210 meters ang spilling level ng naturang dam. Nasa 79.22 meters naman ang water level sa La Mesa Dam sa Quezon City na umaabot naman sa 80.15 meters naman ang spilling level nito.
Ayon sa Pag Asa, halos lahat ng dam ay pawang nasa normal level na ang tubig dulot ng sunod sunod na pag-uulan na dala ng nagdaang bagyong Ineng sa Northern Luzon na kinaroroonan ng mga dams sa bansa.