Ineng bahagyang lumakas pahilaga

MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas ang bagyong Ineng kahapon habang kumikilos papuntang hilaga-hila­gang silangang direksyon.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Ineng ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa layong 165 kilometro ng hilagang silangan ng Calayan, Cagayan o nasa layong 70 kilometro ng silangan ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras.

Si Ineng ay kumikilos pahilaga-hilagang sila­ngan sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nananati­ling nasa itaas ng Signal no. 3 ang Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands; signal no. 2 sa Northern Cagayan, Apayao at Ilocos Norte samantalang signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, Kalinga, Mt. Province, Abra, at Ilocos Sur.

Ngayong Linggo, si Ineng ay inaasahang nasa layong 295 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes at sa Lunes ng tanghali ay inaasahang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibi­lity (PAR) si Ineng.

Show comments