^

Bansa

GMA susunod na lalaya?

Doris Franche-Borja at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Posibleng susunod na lalaya si dating Pangulo at Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na kasalukuyang nakapiit sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kinakaharap niyang kasong plunder.

Ito ang ipinahiwatig ni Department of Justice Secretary Leila de Lima kasabay ng pagpapaha­yag ng pangamba na ma­ging precedent o gayahin sa ibang mga kaso ang paglaya ni Senador Juan Ponce Enrile sa bisa ng piyansa na pinagtibay ng Supreme Court kamakailan.

Sinabi ni De Lima sa isang panayam kamakalawa na posibleng  maaprubahan din ang  hi­ling ni  Arroyo na pansa­mantalang makalaya.

Matatandaang naka­bimbin  sa Korte Suprema ang petisyon ni Arroyo na kumukwestiyon sa ginawang pagbasura ng Sandiganbayan sa kanyang hiling na makapagpyansa para sa kasong plunder na nag-ugat sa maanomal­yang paggamit sa P366M intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office  mula 2008 hanggang 2010.

Si Ginang Arroyo, 68 taong gulang, ay naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa malalang sakit.

Ani De Lima, hindi siya tiyak kung maaaring gamitin sa dating Pangulo ang kanyang edad bilang batayan sa paggagawad ng piyansa ngunit inamin din niya na hindi mala­yong maging konsiderasyon ang kanyang kalusugan.

Sakali aniyang pagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng dating Pangulo, ito ay magi­ging “unprecedented” o mahalagang desisyon na hindi pa naigagawad sa kaparehong mga kaso ng hukuman.

Kapag nagkataon, magiging mapanganib aniya, ang ipapalabas na desisyon dahil hindi malayong bahain ang Korte Suprema ng mga petisyon para makapagpiyansa na ang batayan din ay kalusugan.

Sa ilalim aniya ng batas, ang tanging rekisito lamang sa paggagawad ng piyansa para sa mga non-bailable na paglabag ay kung mahina ang mga  ebidensya.

ACIRC

ANG

ANI DE LIMA

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

PAMPANGA CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SHY

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with