Pag-uulan, hanggang sa susunod na linggo
MANILA, Philippines - Patuloy na makakaranas ng pag-uulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang sa susunod na linggo dahil sa bagyong Ineng.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Ineng ay namataan ng PAGASA sa layong 130 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 170 kilometrro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 205 kph.
Si Ineng ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras.
Bunga nito, nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Batanes Group of Islands, Northern Cagayan kasama na ang Babuyan at Calayan Group of Islands, signal no. 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte at signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Ifugao, Mt. Province, Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Ang ulan hanggang sa susunod na linggo ay dulot ng epekto ni Ineng sa habagat.
Ayon kay weather forecaster Aldzcar Aurelio, aalis sa bansa si Ineng sa Lunes at gaganda ang panahon sa susunod na araw ng Biyernes.
- Latest