^

Bansa

‘Utak’ sa pagpatay kay Ninoy ‘di pa rin tukoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang 32 taon ay hindi pa rin natutukoy ang mastermind sa pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kahit naluklok pa sa puwesto sina Pangulong Cory Aquino at Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Inamin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi na pinag-uusapan pa sa Malacañang kung interesado pa ba ang pamilya Aquino na matukoy at mapanagot ang utak sa pagpaslang sa dating senador.

“I am not aware. We have not discussed this matter,” ayon kay Lacierda.

Kahapon ay ginunita ang ika-32 taong anibersaryo nang pagpatay kay Aquino at mabibilang na lang sa daliri ang mga opisyal ng pamahalaan na kasama ng naulilang pamilya na nagpunta sa kanyang puntod sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City.

Kabilang sa mga nakiisa sa pamilya Aquino sa kabayanihan ng da­ting senador sina dating Manila Mayor Alfredo Lim, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Budget Secretary Butch Abad at Interior Secretary at administration presidential bet Mar Roxas.

Alas-11:00 ng umaga nang dumating si Pangu­long Aguino sa Manila Memorial Park kasama ang kanyang mga kapatid na sina  Pinky Abellada, Balsy Cruz at Viel Dee habang wala naman si Kris Aquino.

Nag-alay ang mga ito ng panalangin at bulaklak  sa puntod ng kanilang mga magulang.

Dumating din sa sementeryo ang Japanese reporter na si Kiyoshi Wakamiya na isa sa mga journalist na kasama ni Ninoy sa eroplano pabalik ng bansa nang ito ay barilin paglapag sa Manila International Airport noong Agosto 21,1983.

Nabatid na taun-taon ay dumarating sa Pilipinas si Wakamiya upang dumalo sa paggunita ng pagkamatay ni Ninoy.

ACIRC

ANG

AQUINO

AQUINO JR.

ATILDE

BALSY CRUZ

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

INTERIOR SECRETARY

MANILA MEMORIAL PARK

NINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with