^

Bansa

‘Ghost’ senior citizens sa Makati binusisi sa Senate hearing

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot umano sa P367.5 milyon kada taon ang nawawalang pondo sa Makati sa ilalim ng Senior Citizens-BLU Card Program.

Isiniwalat ito kahapon sa Senate Blue Ribbon sub-committee ni Arthur Cruto, head ng Makati Action Center, base sa resulta ng isinagawa nilang audit sa mga bahay-bahay sa Makati na ginawa matapos maupo sa puwesto si acting Mayor Kid  Peña na humalili sa suspendidong Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon kay Cruto, sa dalawang pinakamaliit na barangay pa lamang natuklasan nila na 40 hanggang 52 porsiyento ng senior citizens ang hindi rehistrado sa Commission on Election (Comelec) at hindi makita sa address na ibinigay sa listahan ng MSWD.

Sa Barangay Kasilawan, sa 1,095 rehistradong nakalista bilang BLU cardholder, 660 lamang ang na-locate at rehistradong botante sa Makati at 435 ang hindi na botante at hindi makita sa address na ibinigay.

Sinabi pa ni Cruto na sa kabuuan nasa 31,280 senior citizens ang hindi rehistrado at nawawala pero tumatanggap pa rin ng nasa P11,750 average annual benefits.

Kung kukuwentahin aniya, lalabas na P367.5 milyon ang nawawalang pera kada taon na inilalaan para sa 31,280 senior citizens na hindi naman rehistrado at ang iba ay patay na.

Kabilang sa mga iprinisintang ebidensiya ni Cruto sa komite ang sertipikasyon na namatay na ang isang lolo noong 2013 ngunit hanggang 2015 ay tumatanggap pa ito ng benipisyo at may nakapirma sa kanyang pangalan.

 

 

ANG

ARTHUR CRUTO

CARD PROGRAM

CRUTO

MAKATI

MAKATI ACTION CENTER

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAYOR KID

SA BARANGAY KASILAWAN

SENATE BLUE RIBBON

SENIOR CITIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with