House arrest kay GMA ibigay na!

Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. STAR/File photo

MANILA, Philippines - Umapela si House Speaker Feliciano Belmonte sa Sandiganba­yan na pagbigyan na rin ang house arrest petition ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ang apela ni Belmonte ay kasunod ng pagpayag ng Korte Suprema na makapag-piyansa si Sen. Juan Ponce Enrile na nahaharap din sa kasong plunder.

Sinabi ng Speaker na matagal nang naaprubahan ng Kamara ang reso­lusyon na umapela rin ng house arrest para sa dating pangulo.

Naaprubahan umano unanimously ng Kamara ang resolusyong ito kaya ibig sabihin maging siya ay bumoto ng pabor dito.

Hanggang ngayon ay ganito pa rin umano ang paninindigan ni Belmonte.

Si Arroyo ay naka-hospital arrest sa Vete­rans Memorial Medical Center dahil din sa kasong plunder dahilan sa maanomalya umanong paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Show comments