MANILA, Philippines – Nagulantang ang mga empleyado sa lost and found section ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, matapos nilang madiskubre ang 1 kilong ‘heroin’ na itinago sa isang pares ng sapatos na matagal ng iniwan ng hindi pa nakikilalang tao sa paliparan.
Ayon sa ulat, ang nasabing heroin ay may street value na P10 million halaga.
Sabi sa impormasyon, habang iniinspeksyon nila ang mga bagay-bagay sa loob ng lost and found section ng paliparan ay nagulat sila kung bakit ang isang pares nang sapatos na nahawakan nila ay napakabigat.
‘Nagduda sila sa bigat ng sapatos kaya tumawag sila ng mga personnel ng PDEA na nakatalaga sa NAIA at hiniwa ang ilalim nang pares ng sapatos at nakuha sa bawat isang sapatos ang 500 gramong kulay dilaw na pulbos na hinihilang ‘heroin.’
Sinabi sa ulat, nakabalot sa itim na plastic ang heroin at itinahi ito sa sapatos.
Ang heroin ay dinala ng mga ahente ng PDEA para maiksamin sa kanilang headquarters.