Trillanes tatakbong independent VP sa 2016

MANILA, Philippines – Inihayag ngayong Miyerkules ni Sen. Antonio Trillanes IV na tatakbo siya sa pagkabise president sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Trillanes na magiging independent candidate siya kahit na miyembro siya ng Nacionalista Party (NP).

"It's a collective decision of our group, Magdalo. It's always been like that. People would probably see me as an individual but we're one and the same," wika ni Trillanes sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

Bukod kay Trillanes, napababalita ring tatakbo sa mas mataas na posisyon ang iba pang miyembro ng NP na sina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sinabi ni Trillanes na hindi mageendorso ang NP kung higit sa dalawang miyembro nila ang tatakbo sa pagkabise presidente.

"That's the leadership style of the Nacionalista Party under Sen. Manny Villar and everybody appreciates that. Nobody is forced being something that they don't really want," dagdag niya.

Samantala, alam ni Trillanes na hindi magiging madali ang kaniyang karera dahil may mga malalakas na kalaban.

"Based on our own internal polling, I'm way behind Sen. Chiz Escudero but we have a formula on how to win the people. We did it in two national elections with limited resources, we'll see," banggit ng senador.

Show comments